Free Web Hosting by Netfirms
Web Hosting by Netfirms | Free Domain Names by Netfirms

Walang Hapunan, Eh!

Bagong salta sa Manhattan sa New York si Bertulfo at ang Misis niya kaya nakitira muna sila sa ikalawang palapag ng bahay ng isang kamag-anak na kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas.

Ilang araw nang naghahanap ng trabaho si Bertulfo ngunit talagang mahirap makakita ng trabaho sa kapanahunang iyon. Pagkaraan ng ilang araw, napansin ni Bertulfo at ng misis niya na naubos na ang kanilang baong pera.

Kinaumagahan, pagkagising ni Bertulfo at misis niya, alam nila na wala silang agahan. Ibinulong ni Bertulfo sa misis niya, "Wala na tayong agahan. Magtalik na lang tayo upang makalimutan natin ang ating gutom. Yun na lang ang ating agahan!" At nagtalik ang mag-asawang si Bertulfo at and kaniyang misis.

Umalis na si Bertulfo upang maghanap muli ng trabaho. Katanghalian, bumalik sa bahay si Bertulfo. Wika niya sa Misis niya, "Wala pa rin akong trabaho, kaya wala pa rin tayong pera. Mabuti pa, magtalik na lang muli tayo para makalimutan natin ang ating gutom. Yun na lang ang ating pananghalian!" At nagtalik muli ang mag-asawang si Bertulfo at ang kaniyang misis.

Umalis muli si Bertulfo upang maghanap muli ng trabaho. Kinagabihan, bumalik sa bahay si Bertulfo. Nakita ni Bertulfo na umakyat ang misis niya sa tuktok ng hagdanan. Pagkatapos, ay sumakay sa gabay ng hagdanan at nagpadausos pababa ang misis niya. Muling umakyat sa tuktok ng hagdanan ang misis niya at muling sumakay sa gabay ng hagdanan at muling nagpadausos pababa ang misis niya. Makailang paulit-ulit na ginawa ito ng misis ni Bertulfo.

Hindi maintindihan ni Bertulfo ang ginagawa ng misis niya kaya napilitan siyang magtanong, "Ano nga bang talaga ang ginagawa mo?"

Sagot ng misis ni Bertulfo, "Alam kong uuwi kang walang trabaho't wala pa ring pera, kaya ini-init ko na itong ating hapunan..."


[Home]
[Pastilan, Bay!]  [Balaknong Dila]  [Gikan sa Akong Dagang]  [In a Foreign Tongue]  [Mga Pakatawa]
[Send Feedback]  [View Guestbook]  [Sign Guestbook]
[Copyright Policy