|
|
|
Dahil sa aking pag-aalala sa pagkabagabag ng iyong kaibigan, heto ang maaaring hinahanap niyang kasagutan sa kanyang mga tanong:
Ang squidballs ay hindi bayag ng pusit ngunit bayag ni Tiya Pusit.
Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at Kopimeyt. Kopimeyt dapat at huwag gatas. (Milk in my cereal, Kopimeyt in my Pepsi. Sounds good to me!)
Maari lamang gamitin ang A.M. radio kapag umaga; kapag gabi, ang iyong pakikinggan ay F.M.
Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na "fire escape."
Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalaguatan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.
Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya't sila'y tinawag na Chicken Joy. Ngunit hindi kinakailangang sa Jollibee patayin ang manok upang ito ay maging masaya. Ang mga manok ay nagiging masaya kapag siya ay may kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi Chicken Joy kundi McChicken Singles. (Ang pinakamasayang manok sa lahat ay iyong 6-piece Chicken McNuggets o tinatawag na "orgy" sa Ingles.)
Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 2 hinggil sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.
Dahil kung mataas ang highway, wala nang paglalagyan ng skyway.
Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumitingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay "fly"--lipad, "over"--sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa flyover, ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan. Alam kong wala sa inyong mayroong sasakyan na Miata, Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang kotseng pangmayaman.