| Student: |
Nasimot na ni Erap ang kaban ng bayan dahil sa kanyang pambabae at pangungurakot sa jueteng! Mga taksil silang lahat sa bayan! (shouts) Katarungan! Hangad ng bayan ng pagkapantay-pantay! Ngayon, gusto pa ni Erap ng special treatment? Gusto pa niya ng... |
| Daza: |
...masarap na halu-halo. Dito n'yo lang ito matutunan sa ating pinakabagong programang pantelebisyon na pinamagatang... |
| Bro. Mike: |
(sings) El Shaddai, el Shaddai, el elyona Adonai! Press God! Purihin ang Jos! Purihin ang Panginoon! Ayon sa Banal na Kasulatan, ang taong masunurin kay Yahweh el Shaddai ay dapat umiwas sa... |
| Skymall: |
...cellulite! Nakakataba ang cellulite sa katawan. Kaya ipinapakilala namin ang pinakabagong tuklas ng siyensiya--fat-free ice cream. Available in strawberry, vanilla and mango flavors. Ngayon ay mabibili na sa mga suking tindahan at sa mga outlets ng... |
| Student: |
...Camp Abu Bakar. Sinong matinong tao ang magdi-deklara ng all-out war sa mga kapatid nating Muslim na nananahimik at hindi nagtatanim ng... |
| Daza: |
...sago at gulaman. Nagpapasarap ito sa halu-halo espesyal. Huwag kalimutan ang yelo, gatas, mani, langka at higit sa lahat... |
| Skymall: |
Ipis? Isa lang ang solusyon. Gumamit ng Baygon. Tiyak na patay ang lahat ng uri ng ipis. Pulang ipis, itim na ipis, maliit na ipis, malaking ips, pati ang ipis na... |
| Sanchez: |
...si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, para talaga sa mga mahihirap. Hindi niya nakakalimutan ang mga dukha at api. Nakikibahagi siya sa mga kahirapan ng masa dahil siya ay isang tunay na... |
| Bro. Mike: |
...sinungaling! Sabi ni San Pablo sa Uno Korinto dos-tres, ang sinumang nagsisinungaling ay anak ng diablo. Pero ang tunay na Kristiyano ay may... |
| Skymall: |
Naniniin na balakubak? Gumamit ng Nizoral--ang piiiinakamabilis na pamatay fungi sa... |
| Emma: |
...opisina ni Attorney Estelito Mendoza, Your Honor. Doon po kami uminom ng ice tea, pero siya kinain lang niya. Sa bandang may one foot away lang po, doon po sa Polk Street, Your Honor, nakaupo ang... |
| Student: |
...(galit) mga TRAPO! Lumalaki na ang kanilang mga assets dahil sa pangangamkam nila sa bulsa ng bayan! Bundat na ang kanilang mga bank accounts dahil sa pagiging tuta nila sa Kano! Lumalaki na ang kanilang mga... |