Free Web Hosting by Netfirms
Web Hosting by Netfirms | Free Domain Names by Netfirms

Dayuhan

Ang alab ng puso na sinindihan nina Bonifacio, Aguinaldo at Rizal sampung dekada na ang nakalipas ay mainit pa ring nagniningas hanggang ngayon. Patuloy pa rin ang pakikibaka at pakikihamok na sinimulan ng ating mga bayani.

Dayuhan ang nilabanan nila. Dayuhan pa rin ang kinakalaban ngayon. Ngunit sa kabila ng lahat ay kakaibang dayuhan ang tinutuligsa natin sa kasalukuyan--ang dayuhan sa kaluluwang Pilipino--mga karanasang kakaiba para sa isang bansang nagnanasa ng matiwasay na pamumuhay at makatarungan at makataong pamayanan.

Kung hindi kakaiba sa ating pagkatao ang pagkamakasarili at pagkawatak-watak ay hindi ko alam kung ano ito. Kung di dayuhan sa tao ang pagkaganid at pagkamakasalanan na sumisira sa pagkakaisa ng bansa ay hindi ko alam kung ano ang itawag dito.

And makabayaning gawain ng bawat Pilipino ngayon ay ang pagmulat ng sarili niyang mga mata upang makita ang kagimbal-gimbal na multo sa harapan niya. Hindi lang sapat ang muling pagkagising kundi hugutin din ang kampilan at ihiwa sa puno't dulo ng dayuhang pag-iisip, kaluluwa, at paraan ng pamumuhay.

Buhay na buhay ang diwa ng pakikipaglaban nina Bonifacio, Aguinaldo't Rizal. Buhay na buhay pa rin ang dayuhan. Nag-iba man ito ng anyo ay isa pa rin itong hadlang sa ating kalayaan hindi lang bilang bansa kundi sa kalayaan ng bawat taong nilikha. Habang ang karamihan ay nagsasaya sa ika-sandaang taon ng ating paglaya mula sa pananakop ng dayuhang Espanya, tayo ay dapat maghanda para sa isang muling madugong pagtatagpo at paglalaban sa kakaibang mananakop--ang dayuhan sa kaluluwang Pilipino.






[Home]
[Pastilan, Bay!]  [Balaknong Dila]  [Gikan sa Akong Dagang]  [In a Foreign Tongue]  [Mga Pakatawa]
[Send Feedback]  [View Guestbook]  [Sign Guestbook]
[Copyright Policy